DLSU Harlequin Theatre Guild Tackles Drugs and Teenage Pregnancy in ‘Twin Bill’
Sa kabila ng padami ng padaming kaso ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at maagang pagbubuntis, itatanghal ng DLSU Harlequin Theatre Guild ang Twin Bill—dalawang dula sa isang palabas.
Tampok ang “Ambon ng Kristal” sa panulat ni Elmer L. Gatchalian, Carlos Palanca Memorial Awardee, at ang “June at Johnny” sa panulat ni Jun Robles Lana, 2006 Palanca Hall of Fame Awardee, at sa direksyon ni Ginoong Romualdo “Raffy” Tejada, Punong Direktor ng guild para sa sining. Ang dalawang dula ay nakasentro sa usapin ng droga at mapusok na pag-iibigan.
Ambon ng Kristal
Ang mapagmahal na mga magulang ni Dennis ang siyang dahilan ng pagiging masayahin niya noong siya ay bata pa lamang. Ngunit habang siya ay nagbibinata, unti-unti siyang nalulong sa droga at bisyo na naging dahilan ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Huli na nga ba ang lahat para maituwid niya ang kanyang pagkakamali?
June at Johnny
Katulad nina Romeo at Juliet, sina June at Johnny ay kapwa mga teenager nang ipahayag nila ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. Ngunit sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng kanilang mga magulang, ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa maagang pagbubuntis ni June. Malampasan kaya nila ang mga hamon ng pagiging magulang sa murang edad?
Show Details
Ang Twin Bill ay itatanghal sa Teresa Yuchengco Auditorium, ika-7 palapag, De La Salle University, sa Agosto 2, 7:00 n.g.; Agosto 3, 7:00 n.g.; Agosto 4, 10:00 n.u., 3:00 n.h, at 7:00 n.g.; at Agosto 5, 10:00 n.u., 3:00 n.h, at 7:00 n.g. Ang early bird tiket ay mabibili sa halagang Php 280, habang ang regular naman ay makukuha sa halagang Php 300 lamang. Maaring makipag-ugnayan kay CJ Ponce sa 0917 510 4932, o bumisita sa facebook.com/dlsuhtg para sa karagdagang impormasyon.
For more details about what’s happening in the Manila theater scene, please view our Theater Calendar.