Artistang Artlets Stages Eljay Deldoc’s ‘Ang Goldfish ni Professor Dimaandal’
Inihahandog ng Artistang Artlets, ang Opisyal na Samahang Pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang isa nanamang natatanging pagtatanghal para sa kanilang taunang Seniors’ Theater Literacy Program sa kanilang ika – 37 na taon.
‘Ang Goldfish ni Professor Dimaandal’ ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng manunulat na si Eljay Castro Deldoc. Isa ito sa mga natatanging dula na naipalabas sa Virgin Labfest noong 2014 at 2015. Ang pagtatanghal ng Artistang Artlets ay sa ilalim ng direksyon ni Ma.Diane Gundaya at sa pamamahala ni Elaine Grace Veloso.
Synopsis
“Nagkaroon ng isang pagpupulong sa opisina ni Prof. Caracol na siyang punong-guro ng paaralan. Ang pagpupulong ay tungkol sa reklamong isinampa ni Prof. Dimaandal sa kanyang tatlong estudyante na di umano’y pumatay sa kanyang pinakamamahal na alagang isda. Matutuklasan na ang dalawang magulang pala sa pulong ay mayroong naudlot na pag-iibigan. Iikot ang storya sa unti-unti nilang pagresolba sa kasong inihain sa kanila. Pero ang tanong ay mareresolba nga kaya nila? O mas lalala lang ang problema nila?
Kasabay ng pagresolba ng kaso ay ang pag-ungat ng mga nakaraan, kwento ng naudlot na pag-iibigan at iba’t iba pang hindi pagkakaintindihan.”
Cast
Prof. Dimaandal – Ixia Landicho, Sunday Carreon
Prof. Caracol – Pamela Aragon, Anbi Narciso
Vannie – Claire Aquino, Patricia Lacuesta,
Renz Pasigan – Johan Centeno, Jonas Garcia
Tita Pits – Kristian Zacarias, Claire Sunga
Sir Tugbo – Jeffrey Labudahon, Jerim Tubino
Show Details
Ito ang mga sumusunod na araw at oras ng pagtatanghal:
September 20, 21 & 22, 2017
1PM | 3PM | 5PM | 7PM
Lugar ng pagtatanghal:
Tan Yan Kee AVR, Tan Yan Kee Student Center, University of Santo Tomas.
Ang dulang ito ay BLANK TICKETED.
Maaaring tawagan o i-text si Elaine Grace Veloso sa 09954577319 para sa mga tanong at iba pang detalye.