Now Streaming: ‘Tuloy Ang Palabas sa MET’ with Bayanihan Dance Company
The Metropolitan Theater (The MET) is currently streaming the fourth installment of its Tuloy Ang Palabas sa MET series, featuring the Bayanihan Philippine National Folk Dance Company.
The production is divided into 4 -parts– Traditions Renewed, Intramuros of Memory, Mindanao Mosaic, People Under the Sun.
Sa “Intramuros of Memory,” matutunghayan ang mga banyagang sayaw na binigyang buhay sa kontekstong Filipino. Tampok dito ang “Danza” na unang sumikat sa bansang Cuba at kalaunay nakarating sa Pilipinas noong ika-19 na siglo sa pamamagitan ng mga sarswelang naging tanyag sa ating bansa noong kapanahunang iyon.
Ang “Mindanao Mosaic ay patungkol sa impluwensya ng Islam sa katimugang bahagi ng Mindadao at sa mga karatig na isla ng Sulu. Isinasalarawan dito ang mga himig, sayaw at kasuotan na sumasalamin sa sining ng Arabya at Indo-Malaya sa pananaw ng kultura ng mga Pilipinong Muslim.
Ang huling bahagi ng programa na pinamagatang “People under the Sun” ay nagpapakita ng masigla ngunit payak na pamumuhay ng mga Pilipino sa probinsya. Sa yugtong ito, ipapadama sa atin ang kaligayahan at kasaganahan sa pamamagitan ng pagsayaw sa panahon ng anihan o kaya naman kung mayroong kapistahan.
You can watch the full production below.
Comments