FEU Theater Guild Stages ‘Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig’
Warning: Undefined array key "file" in /home/paul/domains/theaterfansmanila.com/public_html/wp-includes/media.php on line 1734
“Isang Misteryosong lalaki ang nilamong ng dagat…”
Sa pagsasara ng ikalawang semester at pagpasok ng ika-walumpu’t tatlong taon ng organisasyon, magiting na inihahandog ng FEU Theater Guild (FTG), kasama ng President’s Committee on Culture (PCC) and isang produksyong mangyayari sa isang mahiwagang isla sa gitna ng karagatan.
Bubuksan ng FTG ang taon sa pagtatanghal ng isang musical na isinulat ni Risa Jopson at halaw sa maikling kwentong “The Handsomest Drowned Man in the World” ni Gabriel Garcia-Marquez. Idinirehe ito ng nakatataas na miyembro at aktor ng Philippine Educational Theater Association (PETA), si Ginoong Dudz Terana, at pinangungunahan ng mga miyembro ng kumpanya na magtatapos sa kolehiyo ngayong taon.
Ito ay produktong binuo ng mabusising pag-iisip, pag-aaral ng mga kanta at piyesa, sining panggalawan, karagdagang mga liriko, at pag-gugol ng oras sap ag-plano at pag-disenyo.
Sa isang isla kung saan ang buhay ay halos walang pag-usad at pag-unlad, isang misteryosong nilalang ang papalaot at ‘di kalaunang babago sa mukha at kilos ng halos baog na pulo. Tunghayan kung paano mabibigyang kasagutan ang mga katanungang bumabagabag sa pag-iisip ng mga tiga-isla. Kung paanong hahamakin ng mga kababaihan ang lahat para lamanag mabigyan ng maayos na pamamaalam ang misteryosong bisita. At kung paanong isasalaysay ng pipi gamit ang kanyang pag-awit ang mga kaganapan ng araw na iyon.
Makikilala niyo na ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig. Oo, ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig. Tama! Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig. Nalunod. Dahil ang bida sa dulang ito ay patay. Paano kayang maghahatid ng kabuluhan sa mga buhay ng mga nasa isla ang isang patay?
Dadalhin naming kayo sa panibagong mundo kung saan ang hampas ng alon at kumpas ng hangin ang ka-ulayaw niyo. Tara na at sabay sabay natin tunghayan ang pagbibigay pugay sa Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig!
Ganap na ika-pito ng gabi ng Abril 20-22, 27-29, at Mayo 4-6, 2017.
PCC Center Studio, Ground Floor, FEU Tech Bldg.
PHP 100.00 para sa komunidad ng FEU na may valid ID
PHP 150.00 para sa mga panauhing pandangal
#Pinakamakisig #ArteKaPa #FTG83