×
Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by whitelisting our website.

Popepular: Sights and Sounds

Popepular: Sights and Sounds

Share this article

Photography by Jolo Alamar

“Pa’no nga ba kung Filipino si Francisco? Pa’no kung nakakapagsalita siya ng Tagalog? Pa’no kung alam niya ang mga sakripisyo’t pagpupunyagi ng ating lahi? Pa’no kung alam niya ang ating kasaysayan at willing siyang maging catalyst para sa pagbabago?

Haaay, napakaraming pa’no! Pero sa pamamagitan ng isang dula lamang posibleng magkatotoo ang mga pa’no na ‘yan. Pa’no naman kasi magiging Filipino si Francisco, eh, pinanganak siya sa Buenos Aires, Argentina, naging Arsobispo noong 1998, naging Cardinal noong 2001 at naging Santo-Papa noong 2013? Sa pamamagitan ng dula, maaari tayong magkunwari, maaari tayong ‘mandaya’, maaaritayong mangarap. Iyan na marahil ang tinaguriang “artistic license”. Pero matagal na kasing mabisang mediyum ng edukasyon ang sining. Kung sa thesis ay may hypothesis, ga’non dinang dula: may “what ifs”. At sa mga“what-ifs” na ‘yan tayo maaaring makatuklas ng ‘astig’ na pag-aaral, na maaaridin nating ‘reference’ sa pagharap sa hamon ng buhay. Malay mo, makatuklas tayo ng mga solusyon sa mga pangkasalukuyang suliranin ng mga Filipino. Aba’y mainam din kasing isipin na mayroong “Pope Francis” sa bawat isasa atin; na sa bawat magandang katangian niya’y maaari rin tayong maka-relate: mga simpleng pahaging tulad ng “uy, parang ako ‘yon” o kaya naman “aba, napaka-human din pala ni Pope”.

 

Comments
About the Author /

info@66.23.232.42

Follow us @theaterfansmnl on Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, and YouTube for live coverage on theater events around the city.