Prima Facie


Prima Facie

Prima FaciePrima Facie – “at first sight”, a fact presumed to be true unless proven otherwise.

Natagpuang patay si Arturo Nicolas, isa sa mga tatakbong president sa darating na halalan habang hapunan. Kasabay ng pagluluksa ng buong Pilipinas, mayroong mga sikreto na kailangang itago ang mga nakasama niya sa hapunang iyon: ang kaniyang asawa na si Mary Nicolas, ang kaniyang anak na si Rainier Nicolas, ang matalik na kaibigan na si Simon Limjoco, at ang sikat na “family friend” na si Lilia Faulks.

Walang sikreto ang hindi nabubunyag dahil kapag minsan, mas mahalagang itanong kung “Bakit?” kaysa “Sino?” Tingnan silang mabuti at huwag agad maniwala sa PRIMA FACIE.

“Minsan, hindi tunay ang inyong nakikita.”

 

Inihahandog ng Artistang Artlets, ang opisyal na samahang pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang “Prima Facie” sa panulat ni John Michael Peña.

Walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Ang dulang ito ay tungkol sa isang kandidatong tatakbo sana sa pagka-pangulo ngunit sa isang iglap, siya ay binawian ng buhay.Walang nakakaalam kung paano at ano ang ikinamatay niya maliban sa mga taong nakasama niya nang hapunan bago ang pagkamatay niya.

Ang “Prima Facie” ay ayon sa direksyon ni Jennie Ver Gabon at sa pamamahala ni Shaira Joyce Javier. Ito ay ipapalabas sa Oktubre 27, 28, at 29 2015 sa mga oras na 1pm, 3pm, 5pm, at 7pm sa Benavides Auditorium, High School Building, UST

Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tawagan o kontakin si Ma.Diane Gundaya sa numerong (09279381150) o Xiayra Mae Magtibay sa numerong (09175977812) o John Gabriel Pe sa numerong (09225383521) o maaari ring bisitahin ang Facebook page na: www.facebook.com/ArtistangArtletsUST

Sabay sabay nating alamin ang mga pinaka tatagong sikreto.

 

Prima Facie



No Comment

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *